Photo courtesy of Palawan PPO

Isang lalaki ang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 68 ng Presidential Decree Number 705, o ang Forestry Reform Code of the Philippines, matapos na mahulihan ng mga kahoy sakay ng isang top-down tricycle sa Barangay Pangobilian, Brooke’s Point, dakong 5:30 ng hapon nitong araw ng Biyernes, Abril 8.

Ang suspek ay si Richard Mallon, alyas “Don-don Mallon,” 45 taong gulang.

Ayon sa Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS), si Mallon ay nakatakas dala ang kanyang chainsaw matapos matunugan ang paparating na operatiba sa lugar.

Nakumpiska ng pulisya ang top-down tricycle na may lulan na 20 assorted fresh cut lumber na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P4,000.

- Advertisement -

Previous articleTourism product review, circuit dev’t and action planning workshop isinagawa ng DOT
Next articleDOT seeks return of Korean tourists
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.