Larawan mula kay P/Maj. Thirz Starky Timbancaya.

 

Inakusahan ng Coron police ang isang detenido na kasalukuyang nakakulong sa Provincial Jail ang nasa likod ng operasyon ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Ayon kay P/Maj. Thirz Starky Timbancaya, hepe ng Coron Municipal Police Station (MPS), isang tulak droga na nahuli nila sa isang buy-bust operation noong Sabado ay “konektado” sa detenidong si Boduk Zambales na kasalukuyang nakakulong.

Sinabi ni Timbancaya na nahuli nila noong nakaraang Sabado ang isang Marlon Prado Cruz o Alyas Bonbon, na aniya ay isang “tiga pick-up” o courier ng iligal na droga.

“Itong si Alias Bonbon ay tinaguriang contact person, tagapick-up at tagapagpadala nong sinasabing alleged na mga drugs or Shabu na pinapadala from Manila or Cavite dumadaan ng Coron at papunta ng Puerto Princesa,” ayon kay Timbancaya.

Ayon kay Timbancaya, may kaugnayan si Alyas Bonbon kay Zambales.

 

Larawan mula kay P/Maj. Thirz Starky Timbancaya.

“Itong si Marlon Cruz, alyas Bonbon, ay direktang nakakonekta kay Boduk Zambales na kaunaunahang naaresto natin dito sa Coron, Palawan, way back 2016 na kasama ni Marlon Cruz. Sila ay anim na magkakasama noong naaresto natin during that time. Nakakapagtaka na kasi every time siya ang tinuturo,” ayon kay Timbancaya.

Ayon kay Timbancaya, apat na buwan na sa laya si Cruz at sila ay nakakatanggap ng mga report na ito ay contact person o tagapagpadala ng droga kaya’t ito ay kanilang isinailalim sa surveillance.

Naaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Coron MPS at miyembro ng 1st MC Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-MIMAROPA sa isang isinagawang buy-bust operation sa Sitio Bukal-Bukal 2, Barangay Guadalupe, Coron.

Nakuha din kay Cruz ang sachet ng hinihinalang shabu, isang improvised homemade shotgun na mayroon magazine at limang bala ng 12 gauge shotgun.

Nag-iwan naman ng mensahe si Timbancaya sa pamunuan ng Provincial Jail upang matingnan ang posibleng ugnayan ng nahuling suspek at ilang personalidad na sangkot sa droga na nakakulong.

“Kung mababangit ang usapin na challenge, siguro “challenge” meaning ako ay naniniwala sa bagong liberato ng pamunuan ng dating boss ko as PD ng Palawan, na ngayong ay nasa Provincial Jail. Alam kong kayang-kaya niya ‘yan kung ano ang gagawin niya diyan sa walang kakupas-kupas na si Boduk Sambales. Chinachallenge ko kung paano nila maiicoconnect at matigil na ang koneksyon ni Yolly Marasigan at Typon Amatonding sa loob ng Provincial Jail,” ayon kay Timbancaya.

 

Previous articleNag-maoy na sekyu, inaresto sa Narra
Next articleDTI offers livelihood support kits to Bagong Silang fire victims
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.