Anim na malalaking container ng hinihinalang ilegal na ibinibentang gasolina at krudo ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang tindahan sa Barangay Samariñana, Brooke’s Point, bandang alas tres kahapon, November 23.

Ayon sa NBI, lantarang ibinibenta ng tingian ang mga hinihinalang smuggled na produktong petrolyo sa tindahan na binabantayan ng 18 taong gulag na si Arthur Espinosa.

Unang, bumili ang asset ng NBI ng halagang Php500 na diesel matapos na iabot ang bayad na naging hudyat sa mga operatiba para arestuhin siya.

Nang pasukin ang tindahan, tumambad sa mga tauhan ang ilang malalaking container ng gasolina at drum na pinaglalagyan ng produktong petrolyo.

Ayon sa akusado, idinideliver umano sa kanila ang mga gasolina galing sa isang gas station sa bayan ng Bataraza, habang ang krudo naman ay nakukuha nila sa kalapit barangay ng Oring-Oring.

Nag-ugat ang operasyon ng NBI matapos ang ilang report na natatanggap kaugnay sa malawakang ilegal na bentahan ng mga smuggled na petrolyo sa lugar.

Kakaharap ang arestado sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 33 as amended by Presidential Decree 1865, o Illegal Trading of Petroleum Products.

About Post Author

Previous articlePalawan visual artists relive, revive glory days with “Tuloy ang Kwento” art exhibit
Next articleExplainer: ITCZ heavy thunderstorms bring precipitation to Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.