- Advertisement by Google -

Sabay-sabay na nasamsam ng mga awtoridad ang libu-libong board feet ng kahoy na ilegal na pinutol, isang unit ng chainsaw, at isang Palawan hornbill sa magkakahiwalay na operasyon nitong Huwebes, July 29

Nasa 1,715 board feet ng apitong ang nakumpiska nang pinagsanib na puwersa ng CENRO Taytay, Marine Batalion Landing Team-3, Naval Forces West, at Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), sa Sitio Duli, Brgy Bucana, Elnido Palawan.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga nasabing kahoy ay nakuha sa mga kabundukan ng Sitio Duli, Brgy. Bucana, at Sitio Dagmay, Brgy. Teneguiban sa nasabing bayan.

Tinataya namang nagkakahalaga ng P137,200 ang mga abandonadong kahoy.

- Advertisement -

Huli naman ng mga tauhan ng PCSD at Naval Forces West sa akto ng ilegal na pamumutol ng kahoy gamit ang isang chainsaw ang operator nito na nakilalang si Carlito Vidaya, 62, at ang helper nito na si Marline Vidaya, 58, sa Brgy. Magsaysay, Aborlan.

Haharap ang dalawa sa patung-patong na kaso ng paglabag sa Philippine Forestry Code at Republic Act No. 9175 o ang Chainsaw Act of 2002.

Na-rescue rin ng mga tauhan ng PCSDS, kasama ang Naval Forces West, ang isang talusi o Palawan hornbill, sa isang bahay sa Narra Avenue cor. Guyabano Street, Poblacion, Narra.

Agad naman itong itinurn-over sa Palawan Wildlife Reservation and Conservation Center (PWRCC).

Paalala ng mga awtoridad ang pag-aalaga ng talusi ng walang kaukulang dokumento ay paglabag sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous article6 arestado sa ilegal na tong-its sa Culion
Next articleMonsoon rains expected today
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.