Nasabat ng mga awtoridad ang 332.82 board feet na ilegal na pinutol na kahoy habang sinusubukang ibiyahe sakay ng dalawang topdown tricycle sa Sitio Sinuwakan, Barangay Iraan, sa bayan ng Rizal, Palawan, Biyernes ng gabi, October 7.

Ayon sa mga awtoridad, dadalhin sana sa pagawaan ng furniture ang mga kahoy bago ito masabat ng mga tauhan ng Naval Forces West (NFW), kasama ang ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Quezon Quick Response Team (QRT), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Rizal, CG CIU-Palawan, at PIU, Palawan PPO.

Kasalukuyan namang nasa MENRO Rizal ang mga suspek na nakilalang sina Jolane Gaitera, 42 taong gulang at Ancel Tawtawan, 40 taong gulang, kabilang na ang mga kahoy na may estimated market value na aabot sa Php116, 650,000.

Kakaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines.

About Post Author

Previous articleDAR ‘business school’ enhances farmers skills, mindset
Next articlePAGASA monitoring 2 LPAs in and outside PAR
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.