Sirang spillway sa Barangay Maasain. (Larawan mula sa Municipal Information Office - LGU Brooke's Point)

Dahil sa lakas ng baha na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa mahigit dalawang araw ay ilang tulay na ang nasira at nawasak sa munisipyo ng Brooke’s Point.

Nangunguna sa listahan ng mga nasirang tulay ang Maasin Bridge sa Barangay Maasin na hindi pa madaanan hanggang sa ngayon dahil sa pagkasira ng detour nito. Nasira din ang foot bridge sa Sitio Tamlang, Brgy. Saraza, foot bridge sa Brgy. Amas, at tulay sa Brgy. Salogon na posibleng tuluyang masira kung magtutuloy-tuloy din ang pag-ulan.

Nananatili pa rin na malawak ang pagkalat ng tubig sa Tigaplan Bridge, maging sa Tigaplan Spillway na hindi madaanan kahit pa ng mga sasakyan.

Sa kasulukuyan ay pinag-aaralan na ng Municipal Engineering Office (MEO) ng lokal na pamahalaan ang mga paraan katulad na lamang ng paglalagay ng steel matting bilang pansamantalang daan sa ginagawang tulay upang makadaan ang mga residente.

- Advertisement -

Ayon naman sa Department of Public Works and Highway (DPWH), kanilang hinahanapan na umano ng paraan sa lalong madaling panahon ang pagbabalik ng detour upang tuluyan nang makadaan ang mga motorista.

Samantala, magtatalaga  naman ng mga sasakyan ang lokal na pamahalaan para sa “libreng sakay” na maghahatid sa  mga mamayan ng Brooke’s Point (vice versa) patungo ng bayan at Maasin.

Patuloy rin ang mga uniformed personnel sa pag-alalay sa mga tumatawid at ito ay nadadagdagan pa ng mga karagdagang volunteers at barangay workforce upang masiguro ang kaligtasan ng mga tatawid sa mga lugar na may baha.

Patuloy namang pinapayuhan o pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng nakatira sa mababang lugar at  malalapit sa mga ilog at  prone sa baha na lumikas agad kung kinakailangan.

Previous articleInLife Lazada videos make LIFE (Life Insurance is Fast and Easy) a happy reality
Next articleA deadlier virus
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.