Vice Mayor's Office sa bayan ng Roxas pansamantalang isinara para i-disinfect.

Pansamantalang sarado ang mga tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Vice Mayor’s Office, at ang Sangguniang Bayan ng Roxas, matapos ilang mga kawani ang nag-positibo sa rapid antigen test.

Nagsimula ang pagsara para sa mga transaksyon ng mga tanggapan noong Mayo 27 at magtatagal hanggang sa Hunyo 10 para sa kinakailangang disinfection upang maiwasan ng iba pang mga kawani ang mahawaan ng COVID-19.

Ayon sa panayam ng Palawan News sa municipal health officer ng Roxas na si Dr. Leo Salvino, kinumpirma nito na may mga kawani mula sa mga tanggapan ang naging reactive sa antigen.

“Yes, may mga RAT positive tayo sa mga office na yan at yung kanilang mga close contact need natin isailalim din sa antigen testing sa ikapitong araw nila sa isolation,” pahayag ni Salvino

“After nyan, magbubukas naman ulit ang mga tanggapang ito kong negative naman ang iba. But on a skeleton force muna para lang tuloy-tuloy yung public service natin,” saad pa niya. 

Para sa mga transaksyon o iba pang pangangailangan sa nasabing tanggapan, maaring tumawag o mag-text sa mga sumusunod na hotline numbers: 09666385542/09460829476, i kaya ay maaari ring tumawag sa kawani ng tanggapan.

Ipinaalala rin ng pamunuan ng MSWDO na patuloy na mag-ingat at sumunod sa mga ipinaiiral na health protocols.

“Umaasa po kami sa inyong lubos na pang-unawa. Sama-sama nating labanan ang kinakaharap nating pandemya,” pahayag mula sa tanggapan.

Previous articleLalaking sinita sa curfew at nambastos ng barangay official arestado sa Brgy. San Manuel
Next articleMagsaysay nakatanggap ng parangal mula sa DOH
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.