Tatlong gramo ng shabu at dalawang gramo ng marijuana ang nakumpiska ng mga pulis sa isang hinihinalang drug pusher matapos itong matiklo sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Panacan 2 sa bayan ng Narra, 7:40 kagabi, November 20.

Base sa report ng Narra Municipal Police Station (MPS), ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa 37 taong gulang na suspek na si Brian Macawili, alyas “Joker”.

Nasamsam din kay Macawili ang Php1,500 na buy-bust money, nabiling sachet ng shabu, at dalawa pang sachet ng marijuana at shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act.