Ilang mga bahay ng katutubo sa Sofronio Española na sinira ng bagyong Odette.

Bagama’t hindi direktang dinaanan ng bagyong Odette ang bayan ng Sofronio Española, may ilang lugar dito ang nakaramdam ng hagupit ng bagyo at nagtamo ng pinsala, partikular ang Sitio Sincab sa Barangay Pulot Interior.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagkaroon ng minimal damage sa ilang kabahayan na gawa sa light materials.

“Very isolated lang talaga, partial damage. In total siguro maliit lang naman dulot lang siguro mg malakas na hangin,” pahayag ni Ernesto Nagato, hepe ng MDRRMO.

“Sa mga reports natin, halos doon lamang talaga sa Pulot Interior. May mga areas na nakaranas ng malakas na hangin, pero hindi katulad nga noong sa norte. Very minimal sa atin,” paliwanag niya.

- Advertisement -

Dagdag pa ni Nagato, mga maliliit na bahay ng mga katutubong Pala’wan at tanging pananim na saging lamang ang naapektuhan ng bagyo.

Aniya, sa unang linggo ng Enero ay ilalabas nila ang kabuuang damage assessment at halaga ng pinsala ng bagyo sa bayan.

“Kung minimal lang ito, maliit lang talaga ang value, partial damage lahat. After ng assessment ipapadala natin ‘yun sa province upang malaman ito at maaari rin silang makatanggap ng ayuda para maitayo ulit ang bahay nila at yung mga pananim,” aniya.

Previous articleCapitol allocates P305 million in aid for affected families and gov’t workers
Next articleDENR-LMB vows to further improve land titling system in 2022
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.