Nakatakdang kasuhan ang ilang kalalakihan sa bayan ng San Vicente matapos diumanong manggulo at manakot ng residente sa Sitio Itabiak, Barangay New Agutaya, alas nueve ng umaga noong Biyernes, Pebrero 11.

Kinilala ang mga ito na sina Edson Apolinario, alyas Botay Abian, at isang alyas Negro, habang ang biktima nila ay sina Nora Tamala at Erwin Dangan.

Ayon kay San Vicente Municipal Police Station (MPS) chief P/Maj. Thirz Starky Timbancaya, sakay ng dalawang sasakyan ang mga ito na lasing nang dumating sa bahay na pag-aari ni Tamala sa Sityo Itabiak.

“Paghinto ng sasakyan sa harap ng isang bahay, nahagip pa nila yung mga signage doon. Unang bumaba si Edson Apolinario at pasigaw na bumaba agad at nagmura. Nagsilabasan ang mga grupo ng mga kabataan sa bahay na nanonood ng TV, tapos sumunod na lumabas ay si Dangan saka pagulat na nagsabi ‘ano ang nangyari?’” pahayag ni Timbancaya.

- Advertisement -

Agad diumanong nilapitan ni Apolinario si Dangan, pinagmumura at sinuntok. Bumagsak si Dangan, at pagtayo naman ay tumakbo palabas sa likuran ng bahay kung saan nandoon si Tamala na nagluluto ng kanyang mga panindang kakanin.

Sinabi pa nito na bukod sa tumapong mga panindang kakanin, basag ang ilang mga gamit sa bahay ni Tamala, katulad ng mga plato at ilan pang gamit.

“Umawat na si aling Nora, kasi bukod kay Apolinario sumunod na din ang dalawang lalaki (alyas Butay at Alyas Negro) hanggang nagkagulo-gulo na sila doon sa loob ng lutuan ng kakanin,” pahayag ni Timbancaya.

“Nagkaroon na ng kumosyon dahil ang nagsi-awat na lang ay puro mga kababaihan na lang para maawat lang ang dalawang lalaki at hindi maabot si Dangan. Dahil sa nagkakagulo na siya namang pagpasok ng SB Libara,” dagdag nito.

Ayon pa kay Timbancaya, isa pa sa mga taong nandoon sa lugar ang nagsabing may dalang baril ang isa sa mga lalaking nang-harass.

Previous articleResidents of four barangays in Roxas receive financial aid from national government
Next articleSSS extends contribution payment deadline for selected months in 2021 in ‘Odette’-hit areas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.