Dec 5, 2020

Ikatlong nawawalang mangingisda sa San Vicente, natagpuan na

Natagpuan ang katawan ng 55 anyos na si Eduardo Gallegos, Linggo ng umaga, sa Cacnipa Island, Barangay Port Barton, kung saan nakita rin ang mga bangkay ng kanyang mga kasamahan na sina Wenceslao Marikit at Mark Gim Bautista.

(UPDATED) Natagpuan na ang katawan ng ikatlo at huling mangingisda na nawawala    dahil sa sama ng panahon sa bayan ng San Vicente matapos pumalaot noong October 21 para mangisda.

Natagpuan ang katawan ng 55 anyos na si Eduardo Gallego, Linggo ng umaga, sa Cacnipa Island, Barangay Port Barton, kung saan nakita rin ang mga bangkay ng kanyang mga kasamahan na sina Wenceslao Marikit at Mark Gim Bautista.

“Yong unang mangingisda natagpuan siya sa tubig pa. Yong pangalawa, sa shoreline. Tapos ang layo ng pinagkitaan ng pangatlo mga 10 metro lang mula sa lugar kung saan nakita yong pangalawa (Bautista),” ayon sa pahayag ni P/Lt. Erickson Dimalaluan, OIC ng San Vicente Municipal Police Station (MPS).

Sabi ni Dimalaluan, maliban kay Marikit na ang pamilya ay nag-request ng post-mortem, ang kina Bautista at Gallego ay hindi na dahil naniniwala ang mga ito na pagkalunod ang kanilang ikinamatay.

Matatandaan na pumalaot ang tatlong residente ng San Vicente para mangisda noong October 21. Ngunit noong October 22, nakita na lumulutang ang katawan ni Marikit sa Cacnipa Island. Sinundan ito noong October 24 ng pagkadiskubre sa katawan ni Bautista.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry