Isang pasyente ng COVID-19 ang nasawi sa bayan ng Taytay sa huling ulat na inilabas ng lokal na pamahalaan, araw ng Martes, Hulyo 6. Ito ang ikapitong naitalang nasawi sa COVID-19 ng bayan.
Sa impormasyon na ipinarating sa Palawan News ng information officer ng Taytay na si Mark Lawrence, sinabi niya na ang nasawi ay isang 88 taong gulang na babae mula sa Barangay Poblacion. Ang pasyente ay mayroong comorbidity na hypertension.
“Siya ay namatay sa Ospital ng Palawan sa Puerto Princesa City noong July 7 at siya ay positibo sa RT-PCR test,” pahayag ni Pleyto.
Samantala, tatlong bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan matapos na maging reactive sa antigen test samantalang may dalawang pasyente rin ang gumaling.
Sa huling ulat ng Municipal Health Office, ang bayan ng Taytay ay may kabuuang 59 aktibong kaso ng COVID-19 kung saan, 21 ay mula sa Barangay Calawag, 19 sa Poblacion, 10 sa New Guinlo, anim sa Paglaum, at tag-iisa sa Libertad at Liminangcong.
