(Photo courtesy of Nora Salcedo Guanco)

Pitong kwarto sa ikalawang palapag ng isang boarding house ang nasunog ng apoy, Miyerkules ng umaga, sa Tiza St., Quezon Boulevard, Poblacion, Narra.

Agad naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa naturang bayan ang apoy na tumupok sa buong ikalawang palapag ng isang boarding house na pagmamay-ari ni Dioscoro Rubio.

Ayon kay F01 Mark Gapuz, duty comel ng BFP, naitawag sa kanila ang sunog 10:02 a.m. at naideklara itong “fire out” bandang 10:20 a.m.

Wala namang nasaktan sa pangyayari at hindi na rin nadamay ang mga katabing kabahayan.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.

Previous articlePalawan is No. 36 on list of ’50 Most Instagrammable Places In The World 2020′
Next articleCAB wants airlines to upgrade systems for timely announcements
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.