File photo

Isa na namang pasyente ng COVID-19 sa bayan ng Roxas ang nasawi ngayong araw ng Martes, Hunyo 15.

Ang nasawi ay isang 69 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 4.

Sa ulat ng Municipal Health Office (MHO), ito na ang ika-anim na naitalang COVID-19 death sa nasabing bayan.

Ayon kay Dr. Leo Salvino, Municipal Health Officer ng bayan, ang pasyente ay may iba pang karamdaman kagaya ng diabetes at hypertension.

“Mayroon syang comorbidities at siya ay namatay sa Ospital Ng Palawan ngayong June 15,” pahayag ni Salvino.

Samantala, nagtala din ng walong bagong kaso ng antigen reactive cases ang bayan ng Roxas.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng dalawang lalaking edad 19 at 32 at dalawang babae edad 21 at 52 mula Barangay New Barbacan, isang lalaking edad 70 at isang babaeng edad 65 mula sa Barangay 3,  isang babaeng edad 58 mula Bgy. Iraan at isang lalaking edad 52  mula Barangay 1.

Sa kasalukuyan ay may 52 na aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan kung saan 16 ang naitala mula Barangay 3, 12 naman sa Barangay 4, 3 Barangay Mendoza, tagdadalawa sa Barangay 1, Sandoval at Iraan, at tag-iisa sa Barangay Minara, Magara, Salvacion, at Abaroan.

Dahil dito, ang bayan ng Roxas ay mananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine at mas pinaigting pa ang pagbabantay sa kanilang mga border control points upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

About Post Author

Previous articleProvincial Board wants vaccination cards redesigned
Next articleIllegal logging in Philippines’ Palawan stokes fears of a mining resurgence
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.