Isang information and education campaign ang isinagawa ng Ipilan Nickel Corporation sa Brgy. Pangobilian sa bayan ng Brooke’s Point upang ipaabot sa mga residente ang tama at dokumentadong impormasyon tungkol sa responsableng pagmimina.
Una rito, noong February 27 ay nagsagawa rin sila ng IEC sa Brgy. Barong-Barong kung saan ipinaliwanag nila ang mga impormasyon hinggil sa operasyon ng kanilang pagmimina.
Nagkaroon din ng dalawang araw na Stakeholderās Day ang kompanya, kung saan sa unang araw ay dumalo ang mahigit 700 na mga empleyado nito at kanilang pamilya. Ang ikalawang araw naman ay dinaluhan ng mahigit 2,500 na mga residente mula sa mga barangay ng Calasaguen, Maasin, Mambalot, Ipilan at Aribungos
Umabot sa 500 na mga residente ng Brgy. Pangobilian ang dumalo sa IEC noong March 2, kung saan siniguro ng Ipilan Nickel na sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinaharap ay maaasahan ng mga residente ang kanilang tulong, at nasa prinsipyo ng kanilang operasyon ang kapakanan ng mga ito, maging ng kanilang kapaligiran.

Sinundan ito noong March 3 ng kaparehong aktibidad sa Brgy. Poblacion District 1 kung saan nasa 700 na residente ang dumalo.
Ayon sa Ipilan Nickel, sa pagsasagawa ng IEC campaign ay nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na magpahayag at linawin ang kanilang mga nakukuhang impormasyon tungkol sa pagmimina. Nagbigay ito ng daan para matalakay ng kompanya ang iba’t ibang programang inilaan ng pamunuan nito sa komunidad, kabilang na ang kanilang suporta para sa edukasyon, kalusugan, at mga proyektong pangkabuhayan.
Isa sa mga residente na nagpahayag ng pagsuporta sa Ipilan Nickel ay si Lorens Nanoy na nagpahayag na nais nito ng pagbabago sa bayan ng Brooke’s Point.
“Para mas maging malawak po ang pagkakaintindi natin, ilang mga mayor na [at] vice mayor ang nanungkulan sa bayan natin pero hindi ko pa rin nakikita āyung magandang pagbabago. Ang dami pa rin sa mga kababayan natin ang walang trabaho,ā pahayag ni Nanoy.
āNandiyan si Ipilan Nickel [Corporation], nagbibigay ng magandang trabaho. Hindi lang āyung pagtulong sa mga barangay, nag-open din siya ng mga magandang oportunidad para sa bayan ng Brookeās Point. Bakit hindi po natin subukang subportahan ang Ipilan Nickel (Corporation) ngayon?ā ayon pa sa kanya.
Noong 2022, umabot sa P53.33 milyon ang direktang kontribusyon ng Ipilan Nickel sa lokal na komunidad sa ilalim ng kanilang Social Development and Management Program (SDMP), total committed indigenous peoples (IP) assistance, at corporate social responsibility (CSR).
Matatandaang 100 porsiyento ng mga kuwalipikadong botanteng katutubo mula sa Brgy. Calasaguen ang pumabor sa responsableng pagmimina base sa serye ng mga konsultasyon sa komunidad na isinagawa noong 2022 sa ilalim ng gabay ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), habang nagpahayag din ng pagsang-ayon sa operasyon ng INC ang mga IP mula sa iba pang barangay gaya ng Barong-Barong, Ipilan, Mambalot, at Maasin.
Umaasa ang kompanya na sa tulong ng pagpapaigting ng kanilang IEC, malalabanan ang pagkalat ng maling impormasyon at makapagdudulot ito ng isang positibong hakbang tungo pagkakaunawaan sa pagitan ng kumpanya at ng iba pang mga residente ng Brooke’s Point.