Iba’t-ibang uri ng pinutol na kahoy nakumpiska sa El Nido

Sa ulat ng MBLT-3, ang mga kahoy ay kinabibilangan ng 160 bf. ng Mulawin at 13.3 bf. na Apitong at may kabuuang halaga na P27,199.

Humigit-kumulang 1,028 board feet ng iba’t-ibang uri ng kahoy ang nakumpiska sa isinagawang anti-illegal operation ng mga awtoridad sa Sitio Diapila, Barangay Teneguiban sa bayan ng El Nido araw ng Biyernes, Mayo 21.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng DENR-CENRO Taytay katuwang ang 23rd Marine Company ng Marine Battalion Landing Team 3 at El Nido Municipal Police Station.

Ayon kay Voltaire delos Angeles, forest technician 1 ng enforcement and monitoring section ng DENR-CENRO-Taytay, ang mga nakumpiskang kahoy sa pangangalaga ng hindi na pinangalanang suspek ay kinabibilangan ng Apitong at Mulawin at iba pang uri.

“May tao kaming naabutan doon, saka may iba pang species ng kahoy, may Aluwihaw, Taulili iba-iba,” pahayag ni delos Angeles.

Nadiskubre ang iligal na pamumutol ng kahoy sa lugar matapos na ilang corncerned citizen ang nagreport kaugnay dito.

Ang suspek ay nakatakda ngayong sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry