Jul 12, 2020

Ibang 4Ps beneficiaries sa Balabac, hindi pa natatanggap ang payout

Ayon kay Maryvic Gullos, ang bookkeeper ng 4Ps sa Balabac, may 209 na benepisyaryo ng programa ang hindi pa nakatatanggap dahil hindi pa nakakabalik sa bayan ang mga ito.

Mahigit 200 na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Progam (4Ps) ang hindi pa natatanggap ang kanilang mga payout sa bayan na ito dahil sa quarantine.

Ayon kay Maryvic Gullos, ang bookkeeper ng 4Ps sa Balabac, may 209 na benepisyaryo ng programa ang hindi pa nakatatanggap dahil hindi pa nakakabalik sa bayan ang mga ito.

“Na-lockdown sa mga munisipyo. Naabutan sila ng ECQ kung saan silang mga lugar ngayon,” ayon kay Gullos.

Sa kabuoan, mayroong 3,443 na benepisyaryo ang kanilang nabigyan noong May 11 kung saan nagtagal din ito ng isang linggo.

Sabi ni Gullos, mayroong 3,652 na cardholder beneficiaries sa Balabac at ang halaga ng payout para sa kanila ay nasa P13,329,800. Bawat isa ay may P3,650 sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Aniya, makukuha pa rin ng mga benepisaryo ang kanilang ayuda kapag sila ay nakabalik na. Mismong ang Landbank ang magbibigay sa kanila kapag natanggap na ang inter-municipal travel ban.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry