Jul 8, 2020

HPG nagsagawa ng anti-colorum operations sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro – Maagang nagsagawa ng anti-colorum operation ang Philippine National Police (PNP) Regional Highway Patrol Unit Mimaropa sa pangunguna ni Police Captain Edgardo Lim sa kahabaan ng Strong Republic Nautical Hi-way sa Brgy. Bayanan 2 kahapon.

Ipinapaliwanag ni Police Captain Edgardo Lim ng Regional Highway Patrol Unit sa isang motorista na bawal mag-angkas ng bata sa unahan ng motorsiklo dahil delikado ang gawaing ito at mahigpit na ipinagbabawal sa batas. (DN/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro – Maagang nagsagawa ng anti-colorum operation ang Philippine National Police (PNP) Regional Highway Patrol Unit Mimaropa sa pangunguna ni Police Captain Edgardo Lim sa kahabaan ng Strong Republic Nautical Hi-way sa Brgy. Bayanan 2 kahapon.

Alas singko pa lamang ng umaga ay pumoste na sina Lim at ilan niyang mga tauhan sa may panulukan ng Bayanan-Sapul-Palhi-Parang road at Nautical Hi-way upang magsagawa ng checkpoint.

Kanilang pinapahinto ang mga delivery truck at van para tingnan ang kanilang mga papeles kung aktibo pa ang mga prangkisa, gayundin ang lisensiya ng mga nagmamaneho, upang siguruhing hindi pa ito expired.

Tinitingnan din ang mga pribadong sasakyan na wala pang mga plaka at mga motorsiklo na ang driver ay nag-aangkas ng labis sa isa habang ang iba ay walang suot na helmet.  Nasita rin ng opisyal na nagpapatupad ng batas trapiko ang isang driver ng motorsiklo na ang anak ay pinaupo sa unahan ng driver na agad naman binigyan ng leksyon ng awtoridad.   Makikita ito sa mga flyer na kanilang ipinamamahagi sa mga motorista na nagsasaad na bawal paupuin ang bata sa harapan ng driver dahil peligroso ang sitwasyon nito.

Samantala, pinaalalahanan ni Lim ang mga motorista na upang hindi maabala ay asikasuhin ang mga rehistro, prangkisa at lisensiya pati ang pagsunod sa batas trapiko upang maiwasan ang abala at multa sa pagtubos ng mga papeles na may kaugnayan sa pagmamaneho at sasakyan. (DN/LTC/PIA-OrMin)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry