PN photo

Arestado ang mangingisda na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Marangas sa bayan ng Bataraza, 9:11 kagabi, December 7.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office (PPO), itinuturing na Street Level Individual (SLI) ang suspek na kinilalang si Andy Indih Iku, alyas Andy, 35 taong gulang.

Nabilhan ng mga awtoridad ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Nasamsam din sa kanya ang lima pang sachets ng pinaghihinalaang shabu, pouch, belt bag, at ang gamit nitong motorsiklo.

Kahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act ang suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Palawan PPO.

About Post Author

Previous articleDepEd: Christmas party contribution, gifts ‘strictly voluntary’
Next articleOne of backup dancers in BTS Jungkook’s MV for FIFA World Cup 2022 is a Palaweño
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.