Photo Courtesy of Puerto Princesa City Police Office.
- Advertisement by Google -

Arestado ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Drug Enforcement Unit (PPCDEU) ang isang hinihinalang tulak ng droga na kinilalang si Elijah Salazar Romasanta, alias “Troy,” sa isinagawang drug buy-bust operation sa Sampaloc Road, Barangay San Jose, bandang alas-11 ng gabi noong July 22.

Sa isinagawang entrapment operation, nabili sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, sa halagang P1,500 na narecover din ng mga pulis sa loob ng isang pulang Mitsubishi Mirage.

Si Romasanta ay unang naaresto Setyembre noong nakaraang taon, sa bahay ng kaibigan nitong si Mark Zabanal, sa Villa Princesa Subdivision sa nasabi rin na barangay, habang gumagamit ng ipinagbabawal na droga kasama ang apat pang kababaihan na menor de edad.

Pansamantala itong nakalaya matapos na makapagpiyansa.

- Advertisement -

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng PPC Police Office ang nasabing suspek na haharap sa panibagong asunto na may kinalaman sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous article11-year old chess wiz from Puerto Princesa aims for national master title
Next articlePalay na may mababang ‘glycemic index’, kasalukuyang dinedebelop
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.