Photo courtesy of Bataraza MPS and PDEA

Umaabot sa 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P340,000 ang nakumpiska mula sa suspek sa pagtutulak sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust bandang alas 7 kagabi, Mayo 2, sa isang lodging house sa Barangay Rio Tuba, Bataraza.

Ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Palawan at ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) sa buy-bust operation ay kinilala sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) na si Susano B. Boluso, 27.

Ayon sa isang agent ng PDEA na hindi maaaring pangalanan, tumungo lang si Boluso sa Bataraza para kumuha ng item sa supplier nito.

“Pinadala niya lang sa pawnshop ang bayad niya at saka siya bumaba sa Rio Tuba, para kunin ang item,” ayon sa PDEA agent.

“Ang item nila, galing pa sa Marabon ‘yan, kararating lang kahapon sa source niya sa Rio Tuba,” dagdag pahayag nito.

Bukod sa nabiling isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, nabawi din sa suspek ang P2,000.00 na buy-bust money, Huawei cellphone, at ang isang plastic ng pinaghihinalaan pa rin na shabu. Nasa kustodiya na ang mga ito ng Bataraza MPS.

About Post Author

Previous articlePolice roundup: 3 lalaki arestado sa Palawan dahil sa kasong rape at pagnanakaw
Next articleBeing grateful
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.