Upang mas mapaigting ang kanilang operasyon sa seguridad, plano ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) na maglagay ng karagdagang himpilan sa bahaging norte ng Palawan.

Sa kasalukuyan, maliban sa kanilang headquarters sa Honda Bay, ang 2nd SOU-MG ay may mga himpilan sa lalawigan na naka-base sa bayan ng Balabac, Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza, sa bayan ng Quezon, at extention naman sa bayan ng Narra.

Ayon kay 2nd SOU-MG spokesperson P/Lt. Anna Abenojar, maglalagay sila ng karagdagang station sa bahagi ng Taytay sa mga sususnod na araw.

“Wala pa rin kasi tayong istasyon sa norte. Para mas mabantayan pa rin natin, kailangan pa rin tayong maglagay ng mga tao natin doon,” ani Abenojar.

 

 

Inihayag din ni Abenojar na pangunahing tututukan ng 2nd SOU-MG ang mapigilan ang pagpasok ng mga smuggled products sa lalawigan.

Sa talaan ng Maritime Police, mayroong 11 illegal shipment ng mga ibat-ibang produkto ang nasabat ng kanilang mga tauhan sa Balabac at Bataraza noong 2020. Ilan dito ay mga petroleum products, sigarilyo, noodles, at mga sabon, na sa kabuuan ay aabot sa halagang P2,078,070.

Dalawa dito ay ang nasabat nitong Disyembre ng nakalipas na taon kung saan, umabot sa isang milyong pisong halaga ng sigarilyo ang nakumpiska ng Balabac SBU detatchment sakay ng isang lantsa sa Sityo Matangule, Brgy. Bancalaan, at mahigit sa P100,000 na halaga ng mga smuggled goods ang nasabat sa Siyio Marabajay, Brgy. Rio Tuba sa bayan ng Bataraza.

“Yung huling operation ng tropa, ‘yun ang pinakamalaki. Pitong tao ang naaresto namin dito, tapos nakuha natin ang 130 boxes ng imported na mga sigarilyo na aabot sa P1.3 million [ang halaga]. Maliban pa dito yung halaga ng bangka at saka ibang confiscated pa nasa P450,000,” pahayag ni Abenojar.

“Noong December 15 sa Rio Tuba, nakumpiska naman ng tropa, sakay ng tricycle ang 40 boxes ng Sedap noodles, tatlong case ng Dark Soya sauce, tatlong case ng Bio Zip na sabon. Lahat yun nasa P108,070 ang halaga. Meron din na arrested na dalawang tao, pero regular filing na lang habang hinihintay ang warrant of seizure and detention order galing sa Bureau of Customs (BOC),” dagdag niya.

Noong December 22, sa operasyon na pinangunahan ng Taytay Municipal Police Station, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at maritime police, tatlong malalaking makina ang nasabat ng grupo na napag-alamang iligal na naipasok sa Liminancong, Taytay sakay ng isang Chinese vessel, saka inilipat sa isang lokal na bangka galing sa West Philippine Sea.

Hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng pulis ang nasabing insidente.

 

Previous article3 operasyon vs pagbebenta ng giant clam shells, naisagawa ng PNP Maritime
Next articleBFAR penalty collections from illegal fishing apprehensions reach P40 million
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.