Ibinasura ng korte ang hiling ng dating guro na na-convict sa kasong acts of lasciviousness ng isang menor de edad .

Kinansela na rin ng clerk of court ang piyansa ni Raniel Erwin Cayaon Pizana na nagkakahalaga ng P150,000 sa bawat kaso na may kabuuang halaga na P450,000 para sa tatlong kaso nito.

Ayon sa source ng Palawan News, sinubukan pa ng kampo ni Pizana na humingi ng 15 araw para umapela sa pamamagitan ng motion for reconsideration ngunit hindi na ito pinayagan ng korte.

“Humiling pa sila ng 15 days para sa motion for reconsideration pero dahil na din sa mga kwento kasi ng mga biktima niya, ang lalim ng trauma sa mga biktima niya na makikita habang nagkwekwento. Umiiyak. Nanginginig. Sa huli, nag desisyon na si Jjudge na hindi na pagbigyan. Pinatawag na din ang pamilya niya, para maready na din sila,” ayon sa source.

Matatandaang nasentensiyahan si Pizana ng hanggang anim na taong pagkabilanggo noong May 4 ni Judge Jose Bayani Usman ng Family Court, Regional Trial Court (RTC), Branch 50 para sa tatlong kaso ng acts of lasciviousness sa isang labing isang taong gulang na biktima noong 2014.

About Post Author

Previous articleWarning out on toxic mercury in beauty creams after woman loses vision
Next articleUniquely Pinoy gifts from Kultura
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.