Ongoing renewal of business names and DTI business certification at DTI Palawan office.

Nakapagtala ng 7,426 na bilang ng business name renewals at applications ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa taong 2019 at inaasahan nila na malagpasan pa ito sa 2020 dahil kasama na ang mga island municipalities.

Ang bagay na ito ay ipinahayag noong Miyerkules ni Persival Narbonita, ang information officer ng DTI sa Palawan. Sabi niya 50 porsyento ng kabuoang bilang ng business name renewals and certificate applicants sa buong MIMAROPA ay kontribusyon mula sa lalawigan.

“Sa MIMAROPA, si DTI Palawan ang humihila ng ibang probinsya na mas mababa ang na-rehistro. Kumbaga itong 7,000 plus, kahit siguro i-divide ito sa other provinces ng MIMAROPA baka hindi pa sapat,” pahayag niya.

Idinagdag ni Narbonita na ang Palawan ang may pinaka maraming bilang ng entrepreneurs o mga negosyante sa buong rehiyon kasama ang mga nasa munisipyo kumpara sa ibang probinsya.

Sinabi rin ni Narbonita na ngayong taon ay inutos na ang pagbabalik ng management ng mga island municipalities sa provincial office ng DTI. Dahil dito, inaasahan nila na malalagpasan pa ang 7,426 na kabuoang bilang na naitala noong 2019.

“Kahit ngayong 2020, nagtataka rin kami na ilang days pa lang ay nakailan na kami. Hindi pa kasama ‘yong mga munisipyo. Nasa hundred thousands na rin ang collection na na-deposit natin sa bangko,” pahayag ni Narbonita.

Meron ng mahigit kumulang na 300 applicants ang DTI Palawan base sa record nito, pero hindi pa kasama dito ang mula sa mga munisipyo at sa Business One-Stop Shop (BOSS) ng city government.

Ganito man, hindi pa masabi ni Narbonita kung lalagpas ba ng 10 o 20 porsyento ang itataas sa 2020 kumpara sa 2019.

Ang mga business owner at establishment ay itinatakda na mag-renew ng kanilang pangalan at sertipikasyon kada limang taon.

Sa karagdagang pahayag ni Narbonita, sinabi niya na inaasahan nila na ang mga negosyo na nag-rehistro noong 2015 ay magre-renew ngayong taon.

“Kung sa 2020 na kasama ang Calamianes na maipapasok sa tingin ko masu-surpass ito. Kasi ‘yong mga 2014 at 2015 ay magre-renew na naman sila, mag-a-apply,” he said.

Noong 2014, nakapagtala ang DTI Palawan ng 3,732 business name renewals and certifications; 3,539 noong 2015 na may bahagyang pagbaba; 4,677 noong 2016; 5,656 noong 2017, at 5,143 noong 2018.

“More on trading pa rin siya, mga sari-sari store, mga tindahan. ‘Yong iba kasing tourism-related ay pasok din sa trading, ang services ang sunod. Kapag mag-boom ang tourism, dadami rin ang trading din talaga. Malaking number ay from city-wide,” he said.

 

About Post Author

Previous article2 kaso ng hit-and-run, nalutas ng anti-crime task force
Next articleUnang sunog sa Puerto Princesa sa taong 2020, naitala sa Brgy. Sta. Lourdes
is one of the senior reporters of Palawan News. She covers agriculture, business, and different feature stories. Her interests are collecting empty bottles, aesthetic earrings, and anything that is color yellow.