Photo courtesy of Palawan Police Provincial Office (PPPO)

Inaresto ng awtoridad ang dalawang indibidwal, samantalang kinumpiska naman ang mahigit 100 na piraso ng kahoy na sakay ng isang Mitsubishin truck sa national highway sa Sitio Bagto, Barangay Minara sa bayan ng Roxas, noong Sabado, Pebrero 12.

Sa report ng pulisya, aabot sa 500 board feet ang sukat ng mga kahoy na nakumpiska.

Ang suspek ay kinilalang sila Danilo Gaoiran Manapat, 54, at Alvin Tupal Ga, 34. Si Manapat diumano ang may-ari ng mga kahoy, ayon sa ulat ng pulisya.

Naharang ang truck sa kanilang checkpoint sa nasabing lugar, na nanggaling umano sa Brgy. Minara at dadalhin sa New Barbacan sa bayan din ng Roxas.

- Advertisement -

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree 705 sina Tupal at Ga.

Previous articleShear line, northeast monsoon, easterlies affecting the country
Next articlePalawan hornbill isinurender ng isang residente ng Brooke’s Point sa PCSD
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.