Umabot na sa 1,203,830 na mga mamamayan sa MIMAROPA ang nagparehistro sa PHILsys o Philippine Identification System, ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) regional director Leni Rioflorido.

Ang bilang ay naitala noong ika-16 ng Disyembre, noong nakaraang taon, at kinakatawan nito ang 77.60 percent ng 1,551,411 na target na maipa-rehistro.

Sa Marinduque, ang mga naitala na ay 48,064; Occidental Mindoro ay 171,697; sa Oriental Mindoro ay 323,261; sa Palawan ay 622, 931 at sa Romblon ay 37,877.

Dagdag pa ni Rioflorido, mas marami pa sanang maaabot ang PSA sa MIMAROPA na mga kababayan para mabigyan ng national ID kung hindi lang sa pandemya at sa bagyong Odette.

Nilalayon ng Philsys na na mapadali ang pagkuha ng mga serbisyo ng pamahalaan at transaksyon sa mga establisyemento.

Kaya naman hinihimok ni Rioflorido ang mga mamamaya na tangkilikin ang National ID para ganap nilang mapakinabangan ang mga serbisyo ng pamahalaan. (LP/PIA)

About Post Author

Previous articleDICT L-3 installs new VSATs in Palawan
Next articleDSWD admits mistake in manner of distributing cash aid