Ang pamamahagi ng highland vegetable seeds at iba pang kagamitang pansakahan ng Puerto Princesa City Agriculture Office sa mga magsasaka ng Barangay Salvacion. | Larawan mula sa Puerto Princesa City Agriculture Office

Namahagi ng mga libreng binhi o buto, abono at ipa pang kagamitan pang-sakahan ang City Agriculture Office ng pamahalaang panglungsod .

Sa official social media account ng City Agriculture Office, sinabi nitong ang mga kagamitang pang-saka na ito ay kanilang ibinigay sa mga magsasaka  sa Barangay Salvacion na nagtatanim ng mga  Highland Vegetables tulad ng Cabbage , chayote, snap beans, cauliflower, brocolli, at Chinese cabbage.

Nakasaad rin na ang mga napiling magsasaka ay dumaan sa masusing pagsusuri o validation, inalam rin ang kalidad ng lupa hanggang sa kapasidad o kakayanan ng isang pamilya na maitanim, mapangalagaan at maipagpatuloy ang pagtatanim ng mga gulay na kanilang napili.

Layunin ng proyektong ito na maipalaganap sa mga magsasaka ng lungsod ang pagtatanim ng “chop suey” vegetables na siyang nagpapatunay na ang Agrikultura ay prayoridad ng pamahalaang lungsod lalo na ngayong pandemya para makatiyak na abot kaya ng mga mamamayan ang mga masustansyang pagkain tulad ng mga ganitong uri ng gulay.

Ayon naman kay Assistant City Agriculture Enera Tuibeo, ang mga highland vegetables ay karaniwang itinatanim sa lalawigan ng Benguet kaya natutuwa ang kanilang tanggapan na matagumpay ang kanilang ekspermento dahil kaya naman pala itong patubuin sa mga matataas na bahagi ng lungsod.

Sa katunayan, mayroon nang mga naaning highland vegetables sa Barangay naman ng Santa Lourdes kamakailan.

Ani Tuibeo, mahalaga rin na ang ibinibigay ng kanilang tanggapan sa mga magsasaka ay ang ‘technical assitance’ para matiyak na kikita ang mga magsasaka at maging sa pagbebenta ng kanilang mga ani o produktong agrikultura ay tumutulong rin ang kanilang tanggapan. (MCE/PIA-MIMAROPA)

Previous articlePalawan Queens bow to Cordova in Wesley So Cup
Next articleMataas na kaso ng COVID-19 muling naitala sa San Vicente