Timbog ng mga awtoridad ang isang hinihinalang tulak ng droga sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Pulot Center, Sofronio Española, Huwebes ng umaga.

Nakilala ang 41 taong gulang na suspek na si Reme Gullos, alyas Bembol, na kabilang sa listahan high valued individual (HVI) sa bentahan ng droga ng Palawan Provincial Police Office (PPO).

Nakumpiska sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money na Php2,500 at lima pang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Post Author

Previous articleSan Vicente surfing tilt returns in January next year
Next articleTech giants Twitter and Meta takes large scale workforce cut
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.