Bumisita sa Brooke’s Point District Jail (BPDJ) bilang bahagi ng visitation and inspection ng Jail Bureau sa buong rehiyon ng MIMAROPA si regional director J/SSUPT. Maria Irene Esquinas, araw ng Miyerkules, Pebrero 23.
Ang pagdating ni Esquinas ay upang bisitahin at tingnan ang kalayagan ng lahat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), ang ibat-ibang bahagi ng pasilidad at ang mga kawani ng BPDJ.
Layon din nitong ipaalala sa mga Jail officials ang kanilang mga responsibilidad na iniatang sa kanila ng pamahalaan upang pangalagaan ang mga may sala sa batas at gampanan ng maayos at mabuti ang kanilang pinaglikingkurang trabaho.

Kasamang dumating ni Regional Director Esquinas si Palawan Jail Provincial Administrator J/SSUPT Ronaldo Senoc kung saan sinalubong sila ni Jail Warden JCINSP Darwin Motilla at magkasabay na umikot sa buong paligid at pasilidad ng BPDJ.
Ayon kay JO2 May Rose Rosel, tagapagsalita ng BPDJ, patuloy aniya nilang ginagampanan ang lahat mg mga paalala ni Esquinas na maglingkod sa kanilang mga responsibildad bilang tagapagingat ng mga PDLs, pagbibigay ng pantay-pantay na trato sa loob ng selda at ang patuloy na pagbibigay din sa kanila ng pantay na karapatang pang-tao.
“Reminded them to remain vigilant and be responsible in rendering their respective duties,” sabi ni Rosel, Pebrero 26.
Dagdag ni Rosel, sa katunayan, bawat buwan ay palagian ding nakikipagugnayan sa kanila ang Local Government Unit ng Brooke’s Point sa pangangasiwa ng Municipal Health Office (MHO) sa pagbibigay ng mga food and vitamins supplements sa mga PDLs.
