Isang 46 taong gulang na helper ang inaresto sa Brgy. Magara, Roxas, noong March 17, dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 9262, o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.”
Ang inaresto ay kinilala ng Police Provincial Office (PPO) bilang si Leonardo Gabo Tabinga, Jr., matapos siyang babaan ng warrant ni Judge Emmanuel Artazo, ang presiding judge ng Family Court, Branch 14, Taytay, Palawan.
Ang warrant ay ibinaba ni Artazo noong February 8, 2023, dahil sa paglabag diumano ni Tabinga sa Section 5(A) ng RA 9262, na may rekomendadong piyansa na P2,000 at Section 5(I) na may recommended bail na P72,000.
Ang mga seksyon na nabanggit sa anti-VAWC law ay may kinalaman sa pang-aabusong pisikal sa babae at sa kanyang anak, at pang-aabusong mental o emosyonal, pamamahiya sa publiko ng babae o bata, kabilang na ang paulit-ulit na pang aabusong berbal, at hindi pagkakaloob ng financial support.
Siya ay nasa pangangalaga na ngayong ng Roxas municipal police para sa karampatang disposisyon.