SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Tiniyak ng mga kapitan ng bawat barangay sa bayang ito na nasusunod pa rin ng mga kapatid na Muslim ang health and safety protocols na ipinapatupad dahil sa banta ng COVID-19 sa tuwing sila ay nagtutungo sa kani-kanilang mga mosque para sa aktibidad kaugnay sa paggunita ng Ramadan.

Ang Ramadan ay ang  ika-siyam na buwan sa Islamic Calendar ng mga mananampalatayang Islam na nagsisimula sa unang paglabas ng buwan at nagtatagal sa loob ng 30 araw.

Ang salitang Ramadan ay nagmula sa salitang Ramad o Ramida na nangangahulugang nakakapaso na init o pagkauhaw, at nangangahulugang pag-iwas sa pagkain o pag-inom ng ano man mula sa madaling araw hanggang sa paglubog ng araw.

Sa panayam ng Palawan News kay Punong Barangay Toto Gatungay ng Panitian, sinabi nitong mayroon silang apat na Mosque sa kaniyang barangay na madalas pinupuntahan ng kaniyang mga barangay peace officers o tanod upang tiyaking nasusunod ng mga Muslim ang pagsuot ang mga health protocols na ipinatutupad.

“Mayroon tayong mga mosque dito at pinapatingnan naman ito lagi para sa ating kaligtasan at kung nasusunod ang health protocols,”pahayag ni Gatungay.

- Advertisement -

Sa barangay Pulot Center naman na siyang sentro ng bayan ng Sofronio Española,isang malaking Mosque naman ang masusing binabantayan ng opisyales ng barangay sa pangunguna ni kapitan Abner Tesorio. Aniya, gabi-gabi nilang titingnan ang nasabing Mosque para ipatupad sa health and safety protocols.

Ayon naman kay Municipal Health Officer Dra Rhodora Tingson, bagama’t walang hiwalay advisory ang Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) para sa mga Muslim kaugnay sa pagdiriwang ng Ramadan ay kasama pa rin ito sa protocol sa ilalim ng Modefied General Community Quarantine(MGCQ) kaya kailangan pa rin nilang sumunod sa mga regulasyon dito katulad ng mandatory na pagsusuot ng facemask at ang 50 percent loading capacity ng mass gathering.

“Sa protocol ng MGCQ na 50% ng venue ang maximum attendees. Nasa jurisdiction din ng mga kapitan natin na bantayan ang mga Mosque sa kanilang barangay,” ani Tingson.

Samantala sa ngayon ay nananatiling COVID-19 free pa rin ang bayan ng Sofronio Española.

Previous articleEl Nido still closed to tourists from NCR Plus
Next articleFrontliners, pinulong ng MIATF kaugnay sa travel restrictions sa bayan ng San Vicente
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.