Larawan mula kay Shailin Kaye Caabay

BROOKE’S POINT, Palawan — Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan na ito ang dahilan kung bakit nasunog ang harvester ng palay na kaloob ng isang minahan para sa mga magsasaka ng Barangay Mambalot , bandang alas 9 kabi, Mayo 2.

Sa panayam ng Palawan News kay Ricdang Rasimo, ang kapitan ng Brgy. Mambalot, ipinahayag nito na hindi pa nila natutukoy ang dahilan kung bakit masusunog ang harvester na kaloob ng Ipilan Nickel Corporation (INC).

“Wala naman kaming naririnig na isyu dito dahil ibinigay nila at tinanggap ko naman din ng maayos para sa mamayan ng Mambalot na nangangailangan nito,” pahayag ni Rasimo.

Bagama’t kilala si Rasimo na nakikipaglaban kontra sa operasyon ng minahan ay ikinalungkot niya ang pangyayari.

Ipinahayag niya na wala siyang tawag na natanggap mula sa mga kawani ng barangay hinggil sa nangyayaring sunog sa harvester gayong halos 30 minutos nang nagaganap ang sunog base sa saksi.

Aniya, sila rin ang tumawag ng bumbero upang maapula ang apoy dahil sa pangambang baka sumabog ang harvester at madamay ang mga importanteng bagay sa barangay.

“Ako talaga exact 10:20 na ako nakarating kagabi kung hindi pa ako pinuntahan ng asawa ng aming treasurer at ipinaalam na nasusunog nga daw ang harvester sa barangay,” ayon pa kay Rasimo.

“Binantayan namin ito magdamag kasi baka sumabog at madamay ng barangay,” dagdag niya.

Pahayag pa ni Rasimo, hinihintay nila ang BFP na bumalik upang alamin kung ano ang resulta ng imbestigasyon at kung magkano ang danyos dahil sa pagkakasunog ng harvester.

Sinabi rin ito ni P/Maj. Raffy Esperida, ang acting chief ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS).

“BFP po ang nagka-conduct [investigation sa] cause of fire, hinihintay lang namin ang report. Sila po ang expert sa sunog, at sa ngayon ay fire incident pa lang ang report,” pahayag ni Esperida.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa bags gold, bronze in 15th World Archery Philippines competition
Next articlePolice roundup: 3 lalaki arestado sa Palawan dahil sa kasong rape at pagnanakaw
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.