Ang sunog na naganap sa Sityo Marabajay, Barangay Rio Tuba,Bataraza noong Miyerkules, Abril 28.

Tinatayang nasa P20 million ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa sunog na naganap sa Sityo Marabajay, Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza noong Miyerkules, Abril 28.

Ayon sa Bataraza Municipal Fire Station (MFS), hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa rin ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa mahigit 30 kabahayan kung saan sa huling tala ay umabot na sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan

Naitalang umabot sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Sityo Marabajay, Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza

Sa panayam ng Palawan News kay FO1 Jimark Alejo, nitong Biyernes, Abril 30, agad silang naka-responde at nagpatakbo ng dalawang fire trucks sa lugar matapos na makatanggap ng tawag subalit sadyang mabilis na natupok ng apoy ang kabahayan dahil gawa ang mga ito sa light materials.

“Nagpatakbo agad tayo pagkatapos na makatanggap ng tawag. Maliban sa atin ay nagpadala rin ng water tanker ang barangay, at may dalawa rin galing sa RTN at isa sa CBNC,” pahayag ni Alejo.

- Advertisement -

“As we all know, dalampasigan ito, sa gilid ng aplaya pero ginawa naman natin ang lahat para lang maapula ang sunog,” dagdag niya.

Ayon pa sa kanya, may kuryente naman sa Marabajay, ngunit sa ngayon ay wala pang lead kung ano talaga ang dahilan ng sunog.

“Hanggang ngayon, ang opisina natin ay nakikipag-uugnayan pa sa mga residente ng Marabajay,” ani Alejo.

Previous articleClearing operation sa ilog ng Brgy. Kemdeng, San Vicente, isinagawa
Next articleSuspek sa panggagahasa, arestado sa Narra
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.