Ang Gulayan sa Paaralan sa Abo-abo Elementary School (Mga larawan mula kay Ferdz Sabuya)

Mahigit isang buwan matapos na ilunsad ay napapakinabangan na ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Sofronio Española ang kanilang programang “Gulayan sa Paaralan.”

Buwan ng Agosto ng ilunsad ng 4Ps ang nasabing programa sa Abo-abo Elementary School (AES) kung saan gumawa sila ng vegetable gardens at tinamnan ito ng iba’t ibang gulay gaya ng talong, sitaw, okra, at iba pa.

Ayon kay Marieta Rafael, Project Development Officer II, layunin ng programa na mabigyan ang mga magulang ng kanilang sariling income na magagamit sa pang-araw-araw nilang pangangailangan at maaari ring makapag-produce ng gulay at maibenta sa pamilihang bayan.

“Nag-launch ng programang ito para mabigyan ng pagkakakitaan ang mga parents sa tulong ng mga schools natin. Napapakinabangan na nila ito ngayon at nakakapagbenta na rinsila,” pahayag ni Rafael, Linggo, October 3.

- Advertisement -

Dagdag aniya na pina-practice din ng mga benepisyaryo ang organic gardening o ang hindi paglalagay ng mga insecticides sa gulay upang mas mainam na ibenta sa labas at sa pansariling gamit.

Nagsilbing suporta rin sa kanila ang garden seeds na mula sa Department of Agriculture (DA) Abo-abo Rural Agricultural Center kanila upang hindi kailangan pang bumili.

Previous articleKapitan Tesorio ng Pulot Center, kauna-unahang naghain ng kandidatura sa pagka-mayor ng bayan ng Sofronio Española
Next articleCity IMT will not appeal higher quarantine classification
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.