Ang mga suspek sa pagtutulak ng shabu na sina Alona Gonzaga at Marco Dayawon na kasami sa anim na inaresto ng PDEA sa Puerto Princesa City noong May 30, 2019. (Photo courtesy of Bandera News Palawan)

Isang dump truck driver ang inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong May 30 ng umaga sa Baltan Street, Brgy. San Miguel, dahil sa hinalang pagtutulak ng shabu sa lungsod ng Puerto Princesa City.

Ang naaresto sa buy-bust operation ay kinilala ni “Agent Rocky” ng PDEA bilang si Jonard Gonzaga, 43, residente ng Poblacion, Narra.

Nahuli din ang iba pa na pinaghihinalaang sangkot sa pagtutulak ng shabu sa lungsod.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang sachet ng shabu at ang marked money na nagkakahalaga ng P2,100 na siyang ginamit ng asset ng PDEA para makabili ng isang pakete mula kay Gonzaga.

Nakuha din kay Gonzasa ang isang Samsung phone na pinaghihinalaang naglalaman ng mga transakyon niya sa droga at drug paraphernalia.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kay Gonzaga, itinuro nito na ang kanya umanong supplier ay si Alona Gonzaga kaya nagsagawa agad ng follow-up operation ang PDEA at nagtungo sa Purok San Francisco 1 sa Brgy. Tiniguiban kung saan ito nahuli.

Nakumpiska mula kay Alona ang 12 sachets na hinihinalang naglalaman ng shabu na itinago sa ilalim ng kutson at isang sachet naman na nabili ng asset sa halagang P2,100 din.

Kasamang naaaresto sa bahay ni Alona ang isang lalaki na kinilalang si Marco Dayawon na naabutang kasama niya sa kuwarto.

Isinama rin sa pag-aresto sina Edessa Mae Lapurga at Jovy Jane Gabriel na nakuhanan din ng isang sachet umano ng shabu at drug paraphernalia.

Pasado alas syete ng gabi ng nasabi din na araw ay in-operate din ng grupo ng PDEA si Erwin Pantollano na pinaghihinalaang bulto-bulto magbitaw ng shabu sa mga sinusuplayan nito.

Ayon sa imbestigasyon ng PDEA, tanging si Alona lang ang nakakalapit kay Pantollano.

Pasado alas otso ng gabi ay napasok ng PDEA ang bahay ni Pantollano at nakuha mula rito ang 18.59 na gramo ng shabu, weighing scale, drug paraphernalia, P10,000 na buy-bust money, at isang sasakyan.

Maliban sa isa, lahat ng naaresto ay nag-positibo sa drug test.

Previous articleCapitol kicks off plebiscite campaign
Next articleRape suspect nabbed in El Nido
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.