PN File

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan – Binigyan ng special permit ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang Española Cocker’s Club (ECC) para makapagsagawa ng electronic sabong (e-sabong) sa Barangay Pulot Shore sa darating na araw ng Sabado, Setyembre 11.

Ang special permit para sa naturang aktibidad ay nilagdaan ni Mayor Marcito Acoy at License Inspector I Eric Tejano ngayong Miyerkules, Setyembre 8, matapos na aprubahan din ng Sangguniang Bayan ang Resolution No. 2021-77 sa kanilang regular session para dito noong araw ng Lunes, Setyembre 6.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Rhodora Tingson, ang e-sabong ay maaari namang payagan sa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) Status at ang permit na ipinagkaloob sa grupo ay nakapaloob sa guidelines para sa mga lugar na nasa MGCQ. Dagdagniya, kailangan lang ding sundin ang health protocols sa pagsasagawa ng e-sabong.

“Na-inform ang MIATF (Municipal Inter-Agency Task Force) last August 13 at sinabihan lang ang proponent na kumuha ng kaukulang permits para sa mga conditions sa health protocols,” paliwanag ni Tingson.

- Advertisement -

“Hindi na rin kailangan pa ng resolution ng MIATF kung aaprubahan o hindi, knowing na allowed naman ang online sabong sa MGCQ areas,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 2020-140 na inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong October 23, 2020 ay pinayagan nito ang mga LGUs na nasa ilalim ng MGCQ status na magsagawa cockfighting activities, base na rin sa guidelines na inilabas ng National Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Disease (NIATF-EID).

Previous articlePolice roundup: Limang wanted sa batas nadakip sa Lungsod ng Puerto Princesa at sa mga bayan ng Culion at Taytay
Next articleOrganisasyon ng magsasaka sa bayan ng Rizal nakatanggap ng subsidiya mula sa lokal na pamahalaan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.