Photo from Brooke's Point MIO.

Tinanggap na ng pamahalaang lokal ng Brooke’s Point sa pamamagitan ng isang “ceremonial signing” ang isang housing program na nagkakahalaga ng P10 million mula sa National Housing Authority (NHA), noong araw ng Huwebes, August 26.

Ang seremonya ay pinangunahan ni acting Mayor Georjalyn Joy Ordinario Quiachon-Abarca at acting Vice Mayor Rogelio Badua, kasama ang ilang representante ng NHA Regional Office.

Sa ilalim ng programa, pagkakalooban ng pabahay ang mga katutubo sa Sitio Mati, Barangay Pangobilian.

Ayon kay Councilor Victor Colili, Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) ng bayan, ang pabahay ay itatayo bago magtapos ang taong 2021 sa dalawang ektaryang lupain na nabili ng pamahalaang lokal ng Brooke’s Point sa Sitio Mati.

- Advertisement -

Dagdag niya, sa kasalukuyan ay may mahigit 100 household na katutubo ang nakatira sa nasabing lupain ngunit hanggang 50 household lang ang maaring maging benepisyaryo ng programa ng NHA.

“Poorest of the poor talaga ang mapapagkalooban ng bahay. Sila rin sa community kasama ang Barangay IPMR ang nag-select ng 50 household na nasa loob ng 2 hectares na ‘yon,” pahayag ni Colili noong Lunes, August 30.

Paliwanag niya, matagal nang nag-apply ang pamahalaang lokal para mabigyan ng pondo para sa housing program sa ilalim ng Indigenous People’s Housing Assistance Program (IPHAP) ng National Housing Authority.

Previous articleConversion of seven Palawan provincial roads pushed in Congress
Next articleOver 1K job vacancies available for OFWs in Brunei
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.