SAN VICENTE, Palawan — Nagsagawa ng coastal cleanup ang mga kabataang miyembro ng Sto. Niño Developing Youth Skills Arts and Talent (STN DYSAT) sa baybayin ng Barangay Sto. Niño noong araw ng Sabado, Mayo 15.

Ayon kay Symon Cedrik A. Buranday, pangulo ng STN DYSAT, ang kanilang oraganisyon ay hindi lamang nakatuon sa pag-develop ng mga talents ng mga kabataan doon kundi maging sa pagseserbisyo sa komunidad.

“Kasama sa aming programa ang community service, kaya kaalinsabay ng aking birthday naisipan kong magsagawa nalang ng isang aktibidad na kapaki-pakinabang,” pahayag ni Buranday.

Dagdag niya, nais niyang sa murang edad ng mga kabataan ay mamulat sila na kung paano pangalagaan mga likas yaman, karagatan at kapaligiran.

“Ang aming Barangay ay may potensyal sa turismo lalo na ang aming beach na dinarayo na din ng mga turista kaya mahalagang mapanatili ang kalinisan nito at mapangalagaan ang natural na ganda nito,” paliwanag niya.

Ipinaliwanag din ni Buranday na kaya nila ginawa ito ay upang maunawaan ng mga kabataan at bawat mamamayan ang kahalagahan ng mga gawaing tulad nito para madaling mahikayat ang mga mamamayan na makiisa at makatulong sa pamayanan.

“Sa mga kabarangay ko, lalo sa mga nakatira sa Coastal area, panatilihin nating malinis ang ating tabing dagat. Huwag tayong magkalat ng ating mga basura sa coastal area lalo na ng mga plastic at mga bote. Maging responsableng residente po tayo sa pamamagitan ng pag-aayos at pagtatapon ng ating mga basura sa tamang lagayan at tapunan. Dahil naniniwala ako na kinaya nga naming mga bata mad lalong kaya po natin kong lahat tayo ay magtutulungan,” ani Buranday.

Nakiisa at kasama din sa aktibidad na iyon ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng San Vicente, Municipal Police Station, mga opisyal ng barangay, KKDAT, LGBT, Tabang para sa Kabataan ng Sto. Niño at mga residente ng barangay.

Previous articleBancao-Bancao leads COVID-19 surge, with jail detainees as majority cases
Next articleCity government provides antigen test kits for dialysis patients
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.