Ang halagang P90 milyon ay siyang term loan ng local government ng Cuyo sa Development Bank of the Philippines (DPB).
- Advertisement by Google -

Isang groundbreaking event ang isinagawa sa munisipyo ng Cuyo para sa bagong itatayo na municipal hall building nito sa Barangay Lungsod sa poblasyon, araw ng Huwebes, November 25.

Ang bagong municipal building ay mayroong fund allocation na umaabot sa P90 milyon. Ang konstruksyon ay nakuha ng contruction company na B. Vicencio Builders Incorporated (BVB Inc) na sisimulan sa ikalawang linggo ng buwan ng Disyembre ngayong taon, ayon kay Cuyo Mayor Mark Delos Reyes.

“Second week ng December sisimulan, at sa loob po ito ng 500 calendar days,” sabi ni Delos Reyes, Nobyembre 29.

Samantala, kung sakaling matapos ang nasabing bagong munisipyo, ayon kay Delos Reyes, ang lumang munisipyo ay sisirain at ang area ay maaaring maging municipal park.

- Advertisement -

“Medyo luma na talaga ang mga bahagi ng building at delikado na kaya sisirain ito, at yong ground ay ipo-propose ito into park, kasi beachfront din ito sakaling matapos na ang bagong municipal hall natin,” dagdag niya.

Ang halagang P90 milyon ay siyang term loan ng local government ng Cuyo sa Development Bank of the Philippines (DPB).

Umaasa si Delos Reyes na ang mga ganitong klaseng pagbabago ng gusali sa kaniyang bayan ay magdadala ng kaunlaran upang patuloy na makapagbigay ng kalidad na serbisyo sa mga mamamayan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleSPECIAL REPORT: Pala’wan tribes struggle through pineapple farming during COVID-19 pandemic
Next article12 inmates walk free out of Iwahig after GCTA credits commute their sentences
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.