Bahagi ng nasunog sa likod ng PSU Española,tanghali ng Miyerkules, October 27. Larawan ni Hamida Sala

Isang grassfire ang naganap sa likurang bahagi ng Palawan State University (PSU) Sofronio Española campus bandang tanghali, ngayong araw ng Miyerkules, October 27.

Umabot sa halos kalahating ektarya ng madamong bahagi na bakanteng lote ang natupok ng apoy bago ito naapula ng mga kawani ng pamatay-sunog sa tulong na rin ng mga estudyante ng PSU.

Ayon kay FO1 Efraim Gullos, itinawag sa kanila ng mga guro ng PSU sa Sofronio Española na nasusunog ang malawak na damuhan sa likod ng kanilang paaralan.

Sa imbestigasyon ng Española Municipal Fire Station, sinunog ng mga estudyante ang kanilang mga nalinis na damo at hindi nila inakalang mabilis na lalakas at kakalat ang apoy.

- Advertisement -

“Hindi na natin nagamit ang tubig dahil nagtulong-tulong na lang tayo pati ang mga estudyante na hampasin ang mga damo para mamatay ang sunog,” pahayag ni Gullos.

Dagdag ni Gullos, tumagal ng halos isang oras ang sunog at dakong 1:30 ng hapon nang ideklarang fireout ang nasabing grassfire.

Previous articleNPA sympathizers, members surrender to gov’t troops in Roxas
Next articleMigrant fishermen and debt bondage
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.