BROOKE’S POINT, Palawan — Magpapatupad ng granular lockdown ang lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point sa ilang piling lugar na may residente na nag-positibo sa COVID-19.

Ipinabatid ni Mayor Mary Jean Feliciano ang pagpapatupad ng granular lockdown sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Facebook account noong Biyernes, Abril 30.

Ayon kay Feliciano, matapos na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bayan ay  kailangang maghipit at paigtingin ang pagbabantay upang mapigilan ang patuloy na pagtaas nito, partikular sa mga barangay sa poblacion kung saan naroon ang pinakamataas na bilang ng kaso.

“Sa kasalukuyan may mga nadagdag na nagpositibo sa District 1 at District 2, kung kaya nag-desisyon po ang ating MIATF  (Municipal Inter-Agency Task Force) na isailalim sa granular lockdown ang ilang lugar lalo na ang Buligay. Ngayon ay minomonitor ang mga ito ng mga barangay tanod at ng mga COVID marshalls,” pahayag ni Feliciano sa kanyang Facebook account.

Ipinaliwanag din niya na ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga partikular na lugar lamang kagaya ng bahagi ng kalsada o kaya ay sa isang compound kung saan may nag-positibo, upang mas madaling mabantayan at mabigyan ng ayuda ang mga residente dito.

“Ang granular lockdown ay ang pagpapatupad ng lockdown sa pamilya lamang ng apektado o sa compound o street na may mga nag-positive,” ani Feliciano.

Sa kasalukuyan anya ay mayroong 39 active cases ang bayan ng Brooke’s Point kung saan, 34 sa mga ito ay asymptomatic at nasa quarantine facility samantalang lima ang symptomatic na kasalukuyang naka-admit sa Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH).

Kaugnay nito, hiniling din ni Feliciano ang pakikiisa ng mga mamamayan ng Brooke’s Point upang mas madaling masugpo ang kinakaharap na suliranin.

“Magtulungan tayo, ipagdasal natin ang mabilisang paggaling ng mga nag-positibo, maging ang ating mga frontliners at contact tracers na tuloy-tuloy ang pagtatrabaho upang masiguro na lahat ng mga close contact ng mga nag-positive ay ma-test sa lalong madaling panahon,” aniya.

“Magtulungan tayo, ipagdasal niyo rin kami na bigyan kami ng karunungan ng ating Panginoon upang maging maayos at tama ang aming pagdedesisyon para sa kapakanan nating lahat. Sa halip na magreklamo, tulungan niyo kaming paalalahanan ang lahat ng ating kababayan na sumunod sa lahat ng ating health protocols, isumbong ang mga pasaway at manatili sa mga tahanan kung wala namang importanteng gagawin sa labas at itawag agad sa ating mga BHW sa unang araw pa lamang kung may sore throat, lagnat, ubo o trangkaso kayo ng sa ganoon mapadalahan agad kayo ng gamot at manatili muna sa inyong mga tahanan,” ” dagdag niya.

About Post Author

Previous articleEDITORIAL: There’s a light at the end of the tunnel
Next articleSan Vicente MPS at 33rd MC nagsagawa ng mobile community pantry
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.