Jul 2, 2020

Granada natagpuan sa cottage sa Narra

Ayon kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), isang M26 hand grenade na nakabalot sa isang tuwalya ang natagpuan sa naturang lugar.

Isang granada ang natagpuan sa cottage sa isang falls sa Barangay Bato-bato sa Narra, Huwebes ng hapon.

Ayon kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), isang M26 hand grenade na nakabalot sa isang tuwalya ang natagpuan sa naturang lugar.

“Nakita ‘yong granada na nakalagay sa parang towel, nakapatong sa bleacher ng cottage, medyo may kalumaan na ang hand grenade na narecover natin at dahil nga hand grenade maaring sumabog kaya nirespondehan natin at tinurn-over naman ng Barangay officials sa atin,” sabi ni Remo.

“Maaring sumabog ito anytime, pag na-trigger ang hand grenade na ito maaring sumabog kasi naka-in tact pa rin ang blasting cap,” dagdag niya.

Ayon naman kay barangay chairman Ernesto Ferrer, Jr. ng Bato-Bato, nakita ang granada ng bantay ng falls na kanyang itinalaga upang maglinis at mag-ikot.

“Paglinis niya may napansin siya sa sulok na isang tuwalya, noong nakita niya hindi naman niya hinila agad noong kinuha niya napansin niya isang granada, tumakbo siya kaagad sa akin para ma-ireport, pinuntahan namin agad at inireport sa pulis,” sabi ni Ferrer.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry