Simpleng stage na binubungan ng pinatuyong dahon ng niyog at pinalamutian ng kulay pula at dilaw na tela, kasama na ang mga artificial flowers, ang itinayo ng Kelwi Village Elementary School sa Barangay Saraza, Brooke's Point, para sa graduation ceremony ng kanilang mga katutubong Palaw'an na estudyante. (Larawan mula kay TIC Julhan M. Gubat)
- Advertisement by Google -

Inspirasyon na maituturing ng mga katutubong mag-aaral ng Kelwi Village Elementary School sa Brooke’s Point ang kauna-unahang seremonya ng pagtatapos o graduation ceremony na naganap sa kanilang komunidad nitong Hunyo 27, 2022.

Mula kasi noong magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ay naapektuhan nito ang lahat, partikular na ang sektor ng edukasyon kung saan nagbago ang pagsisimula at pagtatapos ng mga klase sa lahat ng paaralan sa bansa, pampubliko man o pribado.

Ngayong unti-unti nang lumuluwag ang sitwasyon dahil na rin sa pagbaba na ng mga kaso ng COVID-19 ay pinayagan na ang face-to-face o in-person na mga aktibidad, tulad ng klase at mga seremonya nang pagtatapos o graduation ceremonies.

- Advertisement -
Ang limang katutubong mag-aaral ng Kelwi Village Elementary School na nagtapos ng Grade 6. Ang Kelwi Village ES ay isang IP School sa Bayan ng Brooke’s Point. Ito ang kauna-unahang graduation ceremony ng nasabing paaralan na ginanap noong Hunyo 27, 2022. (Larawan mula kay TIC Julhan M. Gubat)

Para sa School Year 2021-2022, ngayong Hunyo ang panahon ng recognition rites at graduation ceremonies na itinakda ng Department of Education (DepEd).

Isa nga sa mga nagsagawa ng seremonya ng pagtatapos ay ang Kelwi Village Elementary School (KVES), isang indigenous peoples (IP) school na matatagpuan sa gitna ng kabundukan ng Brgy. Saraza sa bayan ng Brooke’s Point.

Ito ang kauna-unahang seremonya nang pagtatapos ng nasabing IP school simula ng maitatag ito noong Hunyo 2016, kung saan limang estudyante ang nagtapos dito ng Grade 6.

Ayon kay Julhan M. Gubat, teacher-in-charge ng Kelwi Village ES, nasa 139 ang lahat ng mag-aaral dito na nagmula sa kinder hanggang Grade 6 na tinuturuan ng anim na mga guro.

Kuwento ni Gubat, isang payak na entablado na pinalamutian at itinayo sa gitna ng kabundukan katabi ng kanilang paaralan ang naging saksi ng pagtatapos ng limang katutubong mag-aaral na Grade 6.

Ang limang mag-aaral ng Kelwi Village ES kasama ang kanilang guro na si Louniel Dolorin Nale sa kanilang payak na entablado. (Larawan mula kay TIC Julhan M. Gubat)

Sinaksihan ito ng kani-kanilang mga magulang at mga magulang ng iba pang mag-aaral sa nasabing paaralan.

Kapos man sa pasilidad at mga kagamitan, inspirasyon pa rin ng anim na guro ng Kelwi Village ES ang maturuan ang mga katutubong Palaw’an kahit na maglakad ang mga ito ng mahigit anim na oras mula sa paanan ng bundok.

Ang nasabing paaralan ay mahigit pitong kilometro ang layo mula sa sentro ng Brgy Saraza.

Sa kuwento ni Gubat, lahat ng limang nagtapos sa Grade 6 ay nais maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa high school sa susunod na pasukan.

Isinabay na rin, aniya, sa graduation ceremony ang pagbibigay ng pagkilala o recognition rites ng mga katutubong mag-aaral na nasa mababang antas na nakakuha ng matataas na grado. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePalawan placed under heavy rainfall warning due to southwest monsoon rains
Next articleTD Caloy exits PAR, but new LPA seen east of northern Luzon