Dead on arrival sa ospital ang isang 54 anyos na ginang matapos maaksidente ang motorsiklo kung saan ito naka-angkas sa Barangay Bangkal sa bayan ng Agutaya, Linggo ng hapon.

Naideklarang dead on arrival si Merlita Paala Bacaltos na angkas sa motorsiklo ng kagawad ng Brgy. Abagat na si Reyna Yala Radam, matapos magtamo ng matinding pinsala dahil sa pagkakahulog nito sa kalsada nang mahagip ng isa pang motorsiklong minamaneho naman ni Reymond Mondejar Illustrisimo, 30, isang school nurse.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police office, binabagtas nina Radam at Bacaltos sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng Ita street, NP Nangit, intersection patungo sa Senior High School ng Gaudencio Memorial National High school habang patungo rin sa parehong direksyon ang school nurse na si Illustrisimo lulan din ng motorsiklo ng mahagip nito ang motorsiklo nina Radam at Bacaltos.

Pare-pareho silang nagtamo ng mga sugat at pinsala at naidala sa Rural Health Unit (RHU) ng bayan, ngunit si Bacaltos ay nasawi.

 

Previous articleSeeds of community grow despite pandemic
Next articleAFP links anew Makabayan bloc to NPA
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.