Jul 5, 2020

Ginang na masahista, ninakawan at pinatay sa Roxas

Natukoy umano ng mga investigator si Gonzales dahil sa panyong pag-aari nito na nakitang nakatali sa leeg ng biktima.

Isang ginang ang natagpuang patay sa isang magubat na lugar sa Barangay Malcampo, bayan ng Roxas, Linggo ng hapon.

Ang biktima, na kinilala ng pulisya na si Salvacion Padul Saclet, 56 at isang masahista, ay pinaniniwalaang pinatay matapos itong pagnakawan ng dala nyang pera na mahigit P7,000.00.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office, isang lalaki na umano ay sumundo sa biktima upang kunin ang serbisyo nito, ang suspek sa pagpatay.

Ayon sa police report, ang suspek na kinilalang si Ernie Puti Gonzales, 23 at residente ng Brgy. Tabon, Quezon, ang huling nakitang kasama ng biktima.

Natukoy umano ng mga investigator si Gonzales dahil sa panyong pag-aari nito na nakitang nakatali sa leeg ng biktima. Nakuha kay Gonzalez ang mahigit na P3,000 na pinaghihinalaang bahagi ng pera kinuha sa wallet ng biktima.

Ang isang kaanak ng biktima umano ang nakakita na ang panyong maaaring ginamit sa pagpatay sa biktima ay pag-aari ng suspek.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry