Malaki ang maitutulong nang ginagawa at isinasaayos na mga access roads sa El Nido sa pagbabalik ng turismo at maging sa kabuyahan ng mga residente ng Barangay Bebeladan, ayon sa isang mataas na opisyal ng nasabing barangay.

Ayon kay kapitan Antonio Cabesas, sa sandaling maisaayos ang kalsada patungo sa kanilang mga local tourism site, katulad ng Snake Island, ay mas mapapadali na ang pagtungo ng mga turista sa kanilang lugar at maging ang mga residente ay mapapagaan ang buhay. Ang pagsasaayos ng kalsada ay pinondohan ng Barangay Development Fund (BDF).

Ang Snake Island na isang mahabang sandbar na nagdudugtong sa mainland Bebeladan at Vigan island na mga pangunahing attraction. Ang sandbar ay isa sa mga tour packages na binuksan ng pamahalaang bayan ng El Nido noong buwan ng Oktubre, ngayong taon.

“Kung maaayos ang daan natin ay mas makaka-attract tayo ng tourist. Sinisikap natin na bawat taon na makapag share tayo ng pondo for repair ng ating mga kalsada dito sa Bebeladan,” pahayag ni Cabesas noong December 14.

Dagdag niya, malaking tulong din para sa kanila ang binuksang 10.3 kilometers na provincial road noong November 25 kasabay ng pagsasaayos ng dalawang access roads sa Sitio Biga at Bocboc.

“Itong dalawang access roads natin, malaking tulong sa community at turismo ng Bebeladan na nilaanan ng P1.5 pondo ng pamahalaang panlalawigan,” ani Cabesas.

Naglaan din ng P400,000 ang barangay para sa mobilization ng pagsasaayos ng mga nasabing access road.

“Ang pamahalaang panlalawigan laging nakaalalay sa atin, mga equipment laging nandiyan for repair ng ating mga kalsada. Bilang pagkukusa natin, nagbibigay din tayo ng counterpart, fuel at labor para lang mapagawa natin ang mga daan,” dagdag niyang pahayag.

Paliwanag pa niya, umaabot sa P700,000 ang kanilang BDF bawat taon kung saan, isa sa kanilang pinupondohan ang mga kalsada sa kanilang barangay at ilan pang mga community projects.

“Sa totoo lang, maliit talaga. Pero this year nakapaglaan tayo ng P400,000for repair ng ating mga kalsada. Idinagdag din natin ang counterpart ng munisipyo at pamahalaang panlalawigan,” aniya.

About Post Author

Previous articlePalawan’s economy shows continuing decline
Next articleAn evening with Chito Gascon, Voltes V, and human rights
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.