BROOKE’S POINT, Palawan — Nakikipag-ugnayan ang Municipal Health Office (MHO) sa bayan na ito sa Ospital ng Palawan (ONP) para sa “confirmatory genome sequencing” upang malaman kung posibleng nakapasok na ang Delta variant ng COVID-19 sa kanila matapos ang sunod-sunod umanong pagkasawi ng ilang indibidwal.

Ayon sa post ng Municipal Information Office (MIO) ng Brooke’s Point, ang confirmatory genome sequencing ay dahil sa “rapid transmission” ng COVID-19 at high severity sa mga tinamaan nito sa mga nakalipas na linggo.

“Nakipag-coordinate na ang ating MHO sa ONP para magsagawa ng genome sequencing upang makita kung mayroon ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa ating bayan,” ayon sa MIO, Miyerkules, September 15.

Nitong September 14, tatlo ang sabay na nasawi dahil sa Brooke’s Point at patuloy pa ang  pagtaas ng bilang ng mga active cases na umabot na sa 257, base sa update ng Municipal IATF.

“Ang Delta Variant ng COVID-19 ay tinawag na isang variant of concern ng World Health Organization o WHO dahil sa mataas na transmissibility nito, sa madaling salita ito ay mas mabilis na kumakalat kumpara sa ordinaryong COVID-19 Virus. Gayundin ay mas mataas ang fatality rate nito na siyang higit na nakakaalarma,” ayon pa sa pahayag ng MIO ng Brooke’s Point.

Sa dagdag pahayag nito, sinabi ng MIO na dahil mangangailangan ng mahabang panahon para malaman ang resulta ng genome sequencing, dapat paigtingin ng lahat ang pag-iingat.

Hindi umano ibig manakot ng pamahalaang bayan sa mga mamamayan, at ang nais lamang nito ay maging maingat ang bawat isa.

Previous articleMoratorium on rice exportation in Palawan lifted
Next articleSunog naitala sa munisipyo ng Rizal
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.