BROOKE’S POINT, Palawan – Pinalawig ng Brooke’s Point Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) ang pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) hanggang sa October 6 ng taong kasalukuyan.

Ito ay napagkasunduan ng MIATF sa isinagawang pagpupulong sa  pangunguna ni Dr. Lovelyn Sotoza, municipal health officer at acting Mayor Georjalyn Quiachon, ngayong araw ng Martes, September 21.

Ayon sa MIATF, bagama’t bahagyang bumagal ang pagdami ng kaso ng COVID-19 ay patuloy pa rin ang banta nito na sadya umanong nakakabahala. Dahil dito ay napagkasunduan nilang ipagpapatuloy ang pagapapatupad ng GCQ at papaigtingin din ang implementadyon ng mga minimum public health standards at iba pang patakaran upang mapigilan ang patuloy na pagdami at mapababa na ang bilang COVID-19 sa bayan.

“Bagama’t bumagal ng kaunti ang pagdami ng mga kaso ng COVID cases sa bayan, patuloy parin ang trend na talagang nakakabahala,” pahayag ni Sotoza.

- Advertisement -

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang pagpupulong ng  MIATF upang  masigurong angkop ang mga hakbang na kanilang ipapatupad.

Sa huling update ng MIATF, umabot na sa 1,247 ang bilang ng nagkasakit ng COVID-19 sa bayan kung saan, sa kasalukuyan ay may 244 active cases. Nasa 934 naman ang bilang ng mga gumaling na samantalang 22 ang nasawi.

Previous articleDalawang bangka nasabat ng awtoridad habang iligal na nangingisda sa Cuyo
Next articleMga magsasaka ng niyog sa bayan ng Taytay tumanggap ng insentibo mula sa PCA
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.