- Advertisement by Google -

BROOKE’S POINT, Palawan — Pinag-uusapan sa pamahalaan ng bayan ang panukalang programang pabahay para sa mga nakatira sa tabi ng dagat, tabi ng bundok, at iba pang delikadong lugar, katuwang ang Gawad Kalinga (GK).

Ang pag-uusap ay nangyari noong July 8, matapos bumisita si Roland Ustares, ang GK head sa Palawan Provincial Management Team, kay Mayor Cesareo Benedito Jr.

Napagkasunduan na magkaroon ng panibagong memo na lalagdaan ng magkabilang panig upang maibigay ang sapat din na edukasyon at livelihood program para sa mamamayan.

“Matagal na itong Gawad Kalinga, kung di ako nagkakamali, 2001 ng una silang magkaroon ng housing project na pinakikinabangan na ngayon ng mamayan sa Sitio Lada,” ayon kay Benedito.

- Advertisement -

“Ngayon nais ng muling magkaroon ng project together with the local government unit at ang gusto natin ay punuan muna ang natitira pang lote sa Lada,” dagdag niya.

Muli ring naitalaga bilang Municipal Gawad Kalinga Coordinator si Cecil Castilar, ang Administrative Officer V ng lokal na pamahalaan, upang mas mapadali ang serbisyo para sa mga nais na magpatala na kwalipikado sa nasabing programa.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleCity gov’t checks compliance of nightlife establishments
Next articlePAGASA keeping track of two LPAs, one near WPS
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.