1,544 learning tablets ang ipinamahagi para sa mga senior high school students sa bayan ng Brooke's Point.

Pormal nang naipamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan at ng Department of Education (DepEd) ang may kabuuang 1,544 learning tablets para sa mga senior high school students sa limang eskwelahan sa Brooke’s Point, araw ng Lunes, August 30.

Ang pamamahagi ng tablets ay bilang bahagi ng programa ng pamahalaang panlalawigan na matulungan ang mga mag-aaral na Palawenyo sa ilalim ng distance learning method para sa Taong Panuruan 2021-2022, sa gitna ng pandemya na dulot ng COVID-19.

Apat na paaralan sa Brooke’s Point Northern District (BPND) ang nakatanggap ng kagamitan na kinabibilangan ng Inil Taha National High School (INHS) na napagkalooban ng 97 units ng tablet; Governor Alfredo Abueg Sr. National Technology and Vocational High School (GAASNTVHS) na nakatanggap ng 232 units; Maasin National High School (MNHS), 151 units, at Ipilan National High School (INHS), 187  units.

Pormal ding tinanggap ng pamunuan ng Brooke’s Point National High School (BPNH) ang 877 units ng tablet para sa kanilang senior high school students.

Ayon kay Asst. Principal II Leah Rondael ng Ipilan National High School, malaki ang maitutulong ng mga kagamitan sa kanilang estudyante para mapadali ang implementasyon ng distant learning scheme sa kanilang paaralan.

“We’re very thankful sa initiative ng pamahalaang panlalawigan at ng DepEd para sa bagay na ito. Malaking tulong po ito sa mga estudyante namin, sa mga estudyanteng hindi kayang makabili ng Android phone,” pahayag ni Rondael.

Ayon naman kay Princess Sioco, isang Grade 12 student sa Ipilan National High School, kaniya umanong iingatan ang tablet na ipinagkaloob dahil malaking bagay ito para sa katulad niyang isang mag-aaral na walang maayos na android cellphone na gagamitin sa distance learning.

“Malaking tulong po talaga ito sa akin, iingatan ko po ito at nagpapasalamat po ako sa provincial government ng Palawan na tulungan kaming mga estudyante sa panahon ngayon ng pandemya,” ani Sioco.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa City government asks for additional policemen
Next articleThe Ghost Month of August
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.